Wed, 17 Oct 2018
30
Manila

LUNGSOD NG NAGA, Oct.8 (PIA) -- Naging matagumpay ang pagtitipon ng ibat-ibang sector sa probinsiya ng Camarines Sur at Lungsod ng Naga sa ginawang E-Power Mo Multi-Sectoral Forum noong Miyerkules, Oktubre 3. Ginanap ang naturang aktibidad sa Avenue Plaza Convention Center, Naga City.

Mahigit isang daang consumers at kawani ng pamahalaan ang lumahok sa naturang pagtitipon na pinangunahan ng Philippine Information Agency (PIA) sa Camarines Sur at Bicol regional office, katuwang ang Department of Energy (DOE). Layunin nito na maisulong ang kampanya para sa dagdag na kaalaman ng publiko sa kahalagahan ng enerhiya.

Sa welcome remarks na ginawa ni Alkalde John G. Bongat, hinikayat nito ang mga dumalo o stakeholders mula sa mga government line agencies, local government units, mga organisasyon at ibat-ibang grupo sa loob ng probinsiya ng Camarines Sur at Lungsod ng Naga na maging instrumento upang gamitin ng tama an gating enerhiya.

Malaking pasalamat naman ng mga dumalong stakeholders na dumalo hindi lamang bilang kumatawan ng kanilang organisasyon kundi bilang consumers ng kuryente. Anila, nalaman nila kung paano magtipid ng enerhiya sa loob ng kani kanilang tanggapan maging sa kanilang bahay.

Ang paksa ng E-Power Mo Multi-Sectoral Forum ay tungkol sa pagtipid ng kuryente, saan nanggagaling ang enerhiya at ang seguridad na puwedeng makaapekto sa komunidad.

Sumagot din sa mga tanong ng consumers ang mga representante mula sa Camarines Sur 2 Electric Cooperatives, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at DOE Central Office tungkol sa tinatawag na system loss na ipinapatong na babayaran ng bawat consumer ng kuryente. (dabad-PIA5/Camarines Sur)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!