Thu, 15 Nov 2018
32
Manila

BUTUAN CITY, Nob. 9 (PIA) - Bakas ang tuwa ng mga farmers sa Caraga region nang kanilang natanggap ang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) Caraga para sa kanilang sinasakahang lupa.

Maliban doon ay tumanggap din sila ng mga makinarya at equipment na ibinahagi sa kanila mula sa DAR Caraga sa ilalim ng Agrarian Reform Community Economic Support Services at Climate Resilient Farm Productivity Support Project, sa tulong na rin ni President Rodrigo Roa Duterte.

Nasa 575 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBS) ang nakatanggap ng CLOA sa probinsya ng Surigao del Norte; 796 sa Agusan del Sur; 263 sa Surigao del Sur; 242 sa Dinagat Islands; at 221 sa Agusan del Norte. May kabuuang 2,310 na CLOA sa 2,097 na ARBs ang naibigay sa Caraga region.

Ibat-ibang kooperatiba sa rehiyon ang tumanggap ng tig-iisang unit ng 4WD tractor na makatutulong sa kanilang pagsasaka at nang mapalago pa ang kanilang livelihood sa pang-araw-araw.

Kabilang dito ang Jamafo Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative sa Kitcharao, Agusan del Norte; Oil Palm Growers Multi-Purpose Cooperative sa Butuan City; Magaud Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative sa Loreto at Gamao Multi-Purpose Cooperative ng Bayugan City, Agusan sel Sur; Cantapoy Agrarian Reform Beneficiaries Cooperative sa Malimono at Ima Agrarian Reform Beneficiaries Association ng Sison, Surigao del Norte; Balilaycar Farmers Marketing Association ng Tago at Bayabas Agrarian Reform Beneficiaries Association ng Bayabas, Surigao del Sur.

Maliban sa forward tractor, ilan-ilang kooperatiba rin ang tumanggap ng tig-iisang unit ng combined harvester at mechanical rice transplanter. ANG Alipao Multi-Purpose Cooperative (Almuco) Sa Alegria, Surigao Del Norte; San Isidro Multi-Purpose Cooperative (Simpuco) Sa Gigaquit; Maging Ang Rural Improvement Club Producers Cooperative (Riproco) Sa Surigao City. KASALI RIN ANG Southern Agusan Seed Producers Cooperative (SASEPCO) sa Trento, Agusan del Sur.

Ayon kay DAR Secretary Atty. John Castriciones, nais ng Pangulong Duterte na maiangat ang pamumuhay ng mga farmers, at mabawasan umano ang mga magsasakang nabibiktima at naiinganyo ng mga teroristang npa na sumanib sa kanilang grupo dahil ginagawa nilang dahilan ang kawalan ng maayos na programa at serbisyo para sa magsasaka.

Laking pasasalamat naman ni Daniel Viscaya, isang farmer sa Trento, Agusan del Sur kay Pangulong Duterte sa pagbibigay halaga nito sa mga farmers.

Ibinahagi naman ni Edwin Tabano, chairman ng Southern Agusan Seed Producer Cooperative sa Trento, Agusan del Sur na malaking tulong ang naibigay sa kanilang makinarya sa pagsasaka at kauna-unahang ayuda umano ito na kanilang natanggap mula sa gobyerno. (JPG/PIA-Caraga)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!