Fri, 22 Mar 2019

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 11 (PIA) --- Sisimulan nang ipatupad ng Philippine Health Corporation (PhilHealth)-Palawan sa unang linggo ng Enero ang Expanded Newborn Care Package na inilunsad kamakailan.

Sa 'Kapihan sa Philippine Information Agency (PIA)', kinumpirma ni Marian Carlos, tagapagsalita ng PhilHealth sa lalawigan na maaari na itong ipatupad sa mga pasilidad pangkalusugan ng ahensiya.

"Na-publish na po ito last December 21, 2018, 15 days po after ma-publish, implemented na po ito, so we are hoping na effective na ito sa mga accredited health facilities ng PhilHealth," aniya.

Sa expanded newborn care package, tataas ng 2,950 ang benepisyong sasagutin ng PhilHealth para sa mga sanggol mula sa dating P1,750 na nakapaloob sa programa.

"Nadagdag po dito ang new born hearing screening test, sa old newborn package natin, professional fee, essential new born care at screening test lang ang na-a-avail ng baby, sa enhanced nadagdag ang new born screening test kaya tumaas din ang amount, "paliwanag ni Carlos.

Samantala, sa ngayon, mayroong 26 na mga ospital at 23 mga Rural Health Unit (RHU) sa buong lalawigan na maaari nang mag-renew ng kanilang akreditasyon sa PhilHealth. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!