Sun, 08 Dec 2019

Tagalog News: Habagat at Falcon, magpapaulan sa napakaraming lugar

Philippine Information Agency
16 Jul 2019, 22:38 GMT+10

Falcon at Habagat: ipinakikita ni Benison Estareja ng DOST Pagasa ang mga imahen ng Weather Research Forecast (WRF) mula Martes hanggang Huwebes kung saan makikita ang pagpapaulan ng Habagat sa Palawan, Occidental Mindoro at iba pang bahagi ng Mimaropa. (larawan hango sa Briefing ng DOST Pagasa)

LUNGSOD QUEZON, Ika-16 ng Hulyo (PIA) --- Pag-iingat at pagmamatyag ang bilin ng DOST-Pagasa sa mga kababayan na maaring maapektuhan ng pinag-ibayong Habagat at ng Bagyong Falcon.

Bukas, Miyerkules, inaasahan ng DOST Pagasa na mararamdaman ang epekto ng Bagyong Falcon at ng pinag-ibayong Habagat sa nakararaming bahagi ng bansa.

Ayon kay Benison Estareja ng DOST-Pagasa, may posibilidad na lumakas at maging tropical storm ang Bagyong Falcon (isang tropical depression pa lang).

Katamtaman hanggang napakalakas na pag-ulan ang mararanasan sa Occidental Mindoro, Palawan kasama ang mga isla ng Calamian at Cuyo, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan at Guimaras.

Mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay napakalakas na pag-ulan naman ang taya ng panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon at Kabisayaan.

Posibleng dumaan ang mata ng bagyo sa dako ng Babuyan- Batanes pagsapit ng gabi.

Sa Huwebes ng umaga, makakaranas pa rin ang Occidental Mindoro, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan, Isabela at Zambales ng katamtaman hanggang napakalakas ng pag-ulan samantalang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay napakalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Calabarzon at sa mga nalalabahagi ng Cagayan at Mimaropa.

Hinimok ni Estareja ang mga kababayan na naninirahan na malapit sa mga mabababang lugar at sa mga dalisidis na maghanda sa pagbaha at pagguho, manatili sa pagmomonitor sa kanilang forkast at makipag-ugnayan sa kanilang mga disaster risk reduction and management office.

Biernes pa inaasahan ng DOST-Pagasa na makakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Falcon. (LP/DOST-Pagasa)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!