Sun, 20 Oct 2019

Tagalog News: 'Race for Water Odyssey', bibisita sa Puerto Princesa

Philippine Information Agency
14 Sep 2019, 04:38 GMT+10

Ang 'Race for Water Oddyssey' na nakatakdang bumisita sa Puerto Princesa sa Setyembre 17-Oktubre 06. Ito ang kanyang kauna-unahang pagbisita sa Pilipinas. (Larawan mula sa ipinadalang imbitasyon para Race for Water Odyssey Press Conference)

PUERTO PRINCESA, Palawan, Setyembre 13 (PIA) - Nakatakdang bumisita sa Lungsod ng Puerto Princesa ang 'Race for Water Odyssey' mula Setyembre 17 hanggang Oktubre 16.

Ang Odyssey ay isang ambassador vessel ng Race for Water Foundation na lumalaban upang mapigilan ang lumalalang 'plastic polution' sa karagatan. Ito ang kauna-unahang pagbisita ng tinaguriang 'world's largest solar powered catamaran' sa Pilipinas.

Ang nasabing sasakyang pandagat ay umiikot sa iba't-ibang bahagi ng mundo upang magbigay kamalayan sa bawat isa tungkol sa polusyong epekto ng mga basurang plastik sa karagatan. Nagmumungkahi rin sila ng mga lokal na solusyon para sa pandaigdigang problemang ito partikular ang pagsusulong ng Biogreen kung saan ang mga basurang plastik ay nagagawang enerhiya.

Bubuksan sa publiko ang nasabing barko pagkatapos ng isasagawang press conference dito sa Setyembre 19 kung saan personal na makakapanayam ng mga media ang tauhan ng nasabing barko, maging ang mga sakay nitong panauhin.

Sa Setyembre 23-Oktubre 3 ay tatanggap ito ng mga estudyanteng bisita upang ipakita sa mga mag-aaral ang nagagawa ng nasabing barko sa mga basurang plastik.

Magkakaroon naman ng 'Plastic Waste to Energy' workshop ang mga piling mag-aaral sa Setyembre 24 sa loob mismo ng barko.

Matapos ang pagbisita nito sa Puerto Princesa ay tutungo naman ang Odyssey sa Hongkong sa Oktubre 6.

Ang pagbisita ng 'Race for Water Odyssey' ay sa pakikipagtulungan na rin ng Puerto Princesa City Government at ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS). (OCJ/PIAMIMAROPA/Palawan)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!