Sun, 23 Feb 2020

Tagalog News: DPWH Camarines Norte nanguna sa Taal 'Oplan Tulong"

Philippine Information Agency
22 Jan 2020, 16:38 GMT+10

DAET, Camarines Norte, Enero 21 (PIA) -- Nanguna ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Camarines Norte sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Bulkang Taal sa probinsya ng Batangas.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang "Oplan Tulong sa Taal" kung saan maaaring dalhin ng sinumang indibidwal o organisasyon ang kanilang mga nais ibahagi o ipaabot na donasyon para sa mga naapektuhan ng patuloy na pag aalburuto ng bulkan.

Ayon kay Engr. Edwin A. Bernal, district engineer ng DPWH, bukas ang kanilang tanggapan sa mga gustong magbigay ng tulong upang maihatid sa mga apektadong komunidad ng Bulkang Taal.

Sinabi niya na hindi na problema ang sasakyan dahil sasagutin ng kanilang tanggapan ang paghahatid ng mga maiipon na donasyon upang makarating ito sa mga nangangailangan na nasalanta ng naturang bulkan.

Hinihikayat niya ang lahat na tumulong at dalhin sa kanilang tanggapan ang mga nais nilang ibigay na tulong.

Samantala, nagbahagi na rin ng tulong ang kanilang mga empleyado katulad ng mga gamit na kasuotan, pera at bigas ganundin ang organisasyon ng Junior Chamber International (JCI) Daet Bulawan.

Kamakailan lang ay nagpadala na ang DPWH ng tatlong trak ng relief goods mula sa kanilang mga kontraktor na may lamang 60 sako ng bigas, 300 face mask, tubig at pagkain. (RBM/ROVillamonte, PIAV/Camarines Norte)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!