Fri, 10 Jul 2020

Emergency cash assistance ng 4Ps, nasa ATM na

Philippine Information Agency
04 Apr 2020, 17:38 GMT+10

LUNGSOD QUEZON, Abril 14 (PIA) -- Inihayag ng Kagawarang Panlipunan at Pagpapaunlad (DSWD) na kanila nang inilagay sa ATM account ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps) ang emergency cash assistance sa ilalim ng social amelioration program na nakapaloob sa batas ng Bayanihan to Heal As One.

Layunin ng tulong pinansyal na mabawasan ang kasalukuyang dinaranas na hirap ng may 18-milyong pamilya na mga nasa informal na sektor na nawalan ng mapagkakakitaan dahil sa enhanced community quarantine, at pati na rin sa mga maralitang mamamayan.

Ayon sa DSWD, unang makatatanggap ang mga benepisyado mula sa mga rehiyon ng I, II, III, CALABARZON, National Capital Region (NCR), Cordillera Administrative Region (CAR), at ang Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao (BARMM). Nasa kanilang automated teller machines (atm) card na ang nasabing pera noon pang Biyernes, Abril 3.

Samantala, ang mga benepisaryo naman ng ibang rehiyon ay matatanggap ito mula ikaapat hanggang ikalima ng Marso.

Paliwanag ni Irene Dumlao, tagapagsalita ng DSWD, ang halagang matatanggap ay mula P3,650 hanggang P6,650 bawat buwan sa loob ng dalawang buwan, batay sa kasalukuyang "prescribed emergency subsidy" na natukoy mula sa partikular na minimum na pasahod ng rehiyon. Ang halagang ito ay idadagdag sa kanilang matatanggap bilang benipisyado ng Pantawid. Sa dahilang suspendido ang eskuwela, ang dapat lamang matanggap ay P750 para sa pangkalusugan at P600 na buwanang rice subsidy na may kabuuang halagang P1,350, ang halagang ito ang pupunuan.

Ang iba namang hindi kabilang sa Pantawid o hindi kasama sa anumang listahan ng national platform katulad ng LISTAHANAN ay nakasalalay sa lokal na pamahalaan ang bilis ng kanilang pagtanggap ng tulong. Ito kasi ay may prosesong daraanan katulad ng printing ng social amelioration card, pamamahagi bahaybahay, propayling at balidasyon upang matiyak na tamang benipisyado ang makatatanggap. Isa pang dahilan ay ang kakulangan ng tauhan ng DSWD kaya nga sa press briefing ng Pangulong Rodrigo Duterte kaninang madaling araw ay nanawagan siya sa mga nais magvolunteer para sa mabilis na pag-usad ng tulong.

Samantala, tuluy-tuloy ang pakikipag-ugnayan ng Kagawaran sa mga lokal na pamahalaan para sa mas mabilis na pagbibigay tulong. Kasama rin sa kanilang pakikipag-ugnayan ang maayos na pagsunod sa mga "safety protocol" na inilabaas ng pamahalaan upang maiwasan ang transmisyon ng COVID-19.

Muling nagpaalala ang DSWD sa lahat ng mga benipisyado na maging mapagbantay at maniwala lamang sa mga impormasyong galling sa opisyal na media accounts at sa website ng Kagawaran.

Kanila ring inuulit, manatili sa bahay para ligtas sa pagkahawa sa COVID-19. (PIA NCR)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!