Mon, 01 Jun 2020

849 tsuper sa Metro Manila, nakatanggap na ng ayuda mula sa gobyerno

Philippine Information Agency
09 Apr 2020, 16:38 GMT+10

LUNGSOD CALOOCAN, Abril 9 (PIA)--May 849 tsuper na sa Metro Manila ang nakatanggap na ng ayuda simula Abril 6, ayon sa tala na ibinigay ng Landbank of the Philippines (LBP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Patuloy ang pamamahagi ng cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) para sa mga pamilya ng Public Utility Vehicle (PUV) drivers na hindi nakakabiyahe dahil sa Enhanced Community Quarantine dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DSWD may kabuuan nang P6,792,000 ang halaga ng cash assistance na naipamahagi ng DSWD sa mga tsuper.

Tuluy-tuloy naman ang koordinasyon ng LTFRB at DSWD sa pagbuo ng listahan ng mga kasali sa programa. Araw-araw ay maglalabas ang ahensya ng listahan ng mga tsuper na pwedeng makakuha ng ayuda.

Paalala ng LTFRB sa mga pampublikong tsuper na bisitahin ang kanilang official Facebook Page (https://www.facebook.com/ltfrb.central.office/) at website http://ltfrb.gov.ph/) upang makita ang updated na listahan ng mga kwalipikado sa SAP.

Sa oras na makita ang kanilang pangalan sa listahan ng mga benepisaryo, maaari nang pumunta sa pinakamalapit na branch ng LBP upang makuha ang cash assistance.

Bukas ang ilang LBP branches mula 8:30AM hanggang 3:00PM, Lunes hanggang Biyernes.

Dagdag na paalala ng LTFRB na huwag kalimutang dalhin ang driver's license at photocopy nito, kasama ang dalawang pirma sa photocopy, upang makuha ang ayuda. (LTFRB/PIA-NCR)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!