Tue, 26 May 2020

Tagalog News: Price monitoring task force binuo saNueva Vizcaya

Philippine Information Agency
09 Apr 2020, 16:38 GMT+10

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Abril 9 (PIA) - Binuo ng mga national at local government agency ang Provincial Price Monitoring Task Force (PPMTF) upang banatayan ang mga tamang presyo at sapat na supply ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan.

Ang PPMTF ay binuo matapos pangunahan ni Governor Carlos Padilla ang pagpupulong ng Nueva Vizcaya Price Monitoring Team (NVPMT) sa provincial capitol sa bayang ito.

Layunin ng NVPMT at PPMTF na bantayan ang mga presyo ng 'basic necessities' at 'prime commodities' sa lalawigan upang maprotetaktahan ang mga mamamayan sa pagbili ng kanilang pangunahing pangangailangan sa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Rowena Mayangat, Department of Trade and Industry (DTI) chief Trade and Industry Development Specialist at naatasang chairperson ng PPMTF, magsasagawa na sila ng malawakang monitoring sa mga presyo ng basic necessities at prime commodities sa iba't-ibang bayan ng lalawigan.

"Dito makikita kung may mga nagsasamantalang mga pamilihan at sa oras na mapapatunayan ito, sila ay huhulihin at kakasuhan ayon sa batas," pahayag ni Mayangat.

Ang NVMPT ay binubuo ng DTI, Department of Health (DOH), Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Provincial Statistics Authority (PSA), Philippine National Police (PNP), Provincial Legal Office (PLO), Philippine Information Agency (PIA), Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) at iba pa.

Ayon naman kay Police Sr. Supt. Richard Saavedra, police provincial director, nakahanda silang aaresto sa mga lalabag ng price freeze na nakasaad sa Price Act lalo na ngayong pinalawig pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon.

"Kami po ay nakikiusap sa inyo na huwag manamantala ngayong ECQ. Sumunod po tayo sa price freeze ng Price Act at Suggested Retail Price (SRP) ng mga pangunahing bilihin upang maiwasan po natin mapatawan ng kaso at multa," pahayag ni Saavedra.(MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya )

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!