Tue, 26 May 2020

Tagalog News: Kaso ng PUIs sa BARMM, bumaba ng 61%

Philippine Information Agency
09 Apr 2020, 20:38 GMT+10

LUNGSOD NG COTABATO, Abr. 9 (PIA) - Bumaba ng 61 porsyento ang kaso ng Persons Under Investigation (PUIs) ng coronavirus disease (COVID-19) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong mga nakaraang araw.

Ito ay ayon sa BARMM Inter-Agency Task Force on COVID-19 (BARMM-IATF).

Inanunsyo kamakailan ng BARMM IATF na mula sa 254 kaso ng PUIs sa BARMM, 100 PUIs na lamang ang naghihintay ng resulta, 136 ang nakakumpleto ng home quarantine, 16 ang nakarecover at nakalabas na ng ospital, at dalawa naman ang nasawi.

Ayon kay BARMM IATF Co-Chair at Minister of Health Dr. Saffrullah Dipatuan, ang curve ng BARMM pagdating sa COVID-19 ay bumaba na ngunit hindi pa umano nagfla-flatten ang nasabing curve dahil meron pang mga natitirang PUIs at maging mga person under monitoring (PUM).

Ani Dipatuan, sa 7,785 kabuuang bilang ng PUMs, 2,168 dito ay sumasailalim sa striktong home quarantine.

Nabatid sa pinakahuling tala, walo katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa BARMM. Tatlo dito ang nasawi, tatlo ang naka recover, at dalawa ang patuloy na minomonitor, isa sa Marawi City at isa naman sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Siniguro naman ng MOH-BARMM na maayos na-orient ang mga health worker sa kanilang responsibilidad patungkol sa contact tracing at iba pang parehong aksyon upang labanan ang banta ng COVID-19. (With reports from BPI-BARMM)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!