Sun, 12 Jul 2020

Duterte: Klase suspendido muna hangga't walang bakuna vs. COVID-19

Philippine Information Agency
26 May 2020, 14:38 GMT+10

LUNGSOD CALOOCAN, Mayo 26 (PIA) - Tahasang inilahad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes ng gabi na mananatiling suspendido ang klase sa bansa hanggang walang natutuklasang bakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang televised address na isinahimpapawid ng Presidential Communications at mga kaanib na media ng gobyerno, sinabi ng Pangulo na hindi nito pahihintulutan ang pagbubukas ng klase kung malalagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante lalo na at hindi maiiwasang magdikit-dikit ang mga ito.

"I will not allow the opening of classes na magdikit-dikit 'yung mga bata. Bahala nang hindi na makatapos, for this generation," ani Duterte na isinaalang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral laban sa mapanganib na virus.

Unless I am sure that they are really safe, it's useless to be talking about the opening of classes," dagdag pa nito.

Aniya, mahalagang unahin ang bakuna na magsisilbing proteksyon ng mga papasok sa mga paaralan.

"Para sa akin, bakuna muna. Kapag nandiyan 'yung bakuna, okay na," dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang nauna nang inanunsiyo ng Department of Education na isasagawa ang pagbubukas ng eskuwela sa Agosto 24 matapos ang ilang buwang lockdown dahil sa COVID-19. (PIA NCR)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!