Sat, 11 Jul 2020

Tagalog News: Kampanya kontra COVID-19 sa BARMM lalo pang pinalalakas

Philippine Information Agency
30 May 2020, 04:38 GMT+10

LUNGSOD NG COTABATO, Mayo 29 (PIA)-- Lalo pang pinalalakas ngayon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kampanya laban sa coronavirus disease 2019.

Kaugnay nito, pinasinayaan kahapon ang 100-bed COVID-19 isolation center sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao.

Ang pasilidad na nagkakahalaga ng P21 milyon ay tinurn-over sa pamamahala ng Cotabato Sanitarium Hospital (CSH) at inaasahang magsisimula ang operasyon sa susunod na dalawang linggo.

Sinabi ni BARMM Chief Minister Ahod 'Al-Haj Murad' Ebrahim, ang nasabing isolation center ay isa sa mga agarang tugon ng Bangsamoro Inter-Agency Task Force (BARMM-IATF) upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa rehiyon.

Ang nasabing 1,000-square meter na gusali ay naaangkop sa minimum standards na itinakda ng World Health Organization (WHO) para sa isang COVID-19 isolation facility. Ito ay mapakikinabangan hindi lamang ng mga residente ng Maguindanao kundi maging ng mga kalapit na probinsya.

Samantala, parehong COVID-19 isolation center rin ang kasalukuyang ginagawa sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

Maliban dito, matatandaang kamakailan ay binuksan na ang Clinical Laboratory for COVID-19 sa Cotabato Medical and Regional Center sa tulong ng Department of Health katuwang ang BARMM government. Ang pasilidad ay tumatanggap na ngayon ng mga specimen mula sa BARMM at Region 12. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BPI-BARMM).

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!