Wed, 08 Jul 2020

Tagalog News: Higit 1K guro sa Kabacan tumanggap ng ayudang bigas

Philippine Information Agency
30 May 2020, 04:38 GMT+10

KABACAN, Lalawigan ng Cotabato, Mayo 29 (PIA)- Abot sa 1,075 mga guro sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa elementarya at sekundarya dito sa bayan ang nabigyan kamakailan ng ayudang bigas mula sa lokal na pamahalaan.

Bawat benepisyaryong guro ay nakatanggap ng sampung kilong bigas bilang tulong kaugnay sa krisis bunsod ng banta ng coronavirus disease 2019.

Nanguna sa pamamahagi ng ayuda ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office.

Ayon kay Kabacan information officer Hessel Marc Osoteo, kabilang din sa mga naging benepisyaryo ang mga guro na nagtuturo sa mga paaralan sa bayan na matatagpuan sa mga barangay na sakop na ngayon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nabatid na handa din ang lokal na pamahalaan na magkaroon ng ikalawang bugso ng pamamahagi ng ayuda sa mga guro kung kinakailangan. Sa ngayon ay inilalatag na din ang hakbang para naman sa pamamahagi ng kahalintulad na ayuda sa nasa 700 guro sa kolehiyo.

Samantala, muling nanawagan si Mayor Herlo Guzman, Jr. sa publiko ng kooperasyon at pang-unawa sa mga ipinatutupad na alituntunin ngayon sa munisipalidad kaugnay sa banta ng coronavirus disease 2019.

Aniya, kailangang isabuhay at isaisip ang bawat health at quarantine protocol gayong wala pang gamot at bakuna laban sa COVID-19. (PIA Cotabato City)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!