Tue, 07 Jul 2020

OCD-Caraga, namahagi ng test kits, PPE sets sa mga probinsiya

Philippine Information Agency
01 Jun 2020, 00:38 GMT+10

LUNGSOD NG BUTUAN, May 31 (PIA) -- Sa gitna ng banta ng pandemya, tuloy-tuloy pa rin ang laban ng pamahalaan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kaya naman ay siniguro ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga ang mabilisang pamamahagi ang rapid test kits at personal protective equipment o PPE sets sa lahat ng probinsya ng Caraga.

Ang nasabing OCD-procured rapid test kits ay naideliver kasabay ng pagbisita ni National Action Plan Against COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez, Jr. nitong buwan ng Mayo sa rehiyon.

Ayon kay OCD-Caraga regional director Liza Mazo, umabot ng 17,800 rapid test kits at 2,000 sets ng personal protective equipment ang naipaabot ng ahensya at napapakinabangan na sa ngayon ng mga frontliner at health institution.

"Ang OCD ay naatasan na pamunuan ang Logistics Cluster. Pinirmahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte and administratve order na nag-uutos sa aming ahensya na tumanggap at mag-coordinate sa mga donasyon na medisina, medical supplies at equipment sa ating pamahalaan. Sa ngayon ay tapos na tayo sa pamamahagi sa mga probinsiya," sabi ni Mazo.

Nagpapasalamat naman ang mga lokal na pamahalaan sa mga lungsod at probinsiya sa rehiyon sa pamamagitan ng kanilang Disaster Risk Reduction and Management Office sa suportang natanggap.

"Kami sa Agusan del Norte ay nakatanggap nan g 2,500 Rapid Test kits at PPE. Nagpapasalamat tao dahil malaking tulong din ito sa aming probinsiya," sabi ni Jorge Vincent Pagaran, Emergency Operations Center (EOC) manager ng Agusan del Norte province.

Dagdag pa ni Mazo, ang OCD, bilang secretariat of the National Task Group on Resource Management and Logistics ay sinisiguro nito ang availability ng resources, supplies at pasilidad para for COVID-19 response operations ng gobyerno.

Ayon kay Mazo, umabot na rin ng mahigit limang libong tawag na ang kanilang natugonan galing sa mga stranded na indibidwal sa iba't ibang parte ng bansa. Bagama't naiturn-over na sa Department of the Interior and Local Government (DILG)-Caraga ang tungkulin ay patuloy pa rin anya ang kanilang pagtanggap ng queries at ipapaabot nila ito sa DILG para sa mabilisan at tamang aksyon.

Maliban pa sa puspusang COVID-19 response, patuloy na koordinasyon, at pag generate ng daily situation report ay abala din sa paghahanda ang OCD-Caraga sa tag-ulan lalo na't kadalasang nakakaapekto ito sa agri-fishery activities sa rehiyon. (VLG/PIA-Caraga)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!