Sun, 16 Aug 2020

Tagalog News: Mga tumulong para makauwi ang mga LSIs, pinasalamatan

Philippine Information Agency
08 Jul 2020, 00:38 GMT+10

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Hulyo 7 (PIA) -- Nagpasalamat ang Regional Task Force Against COVID-19 sa lahat ng ahensya at lokal na pamahalaan na tumulong upang ligtas na makauwi ang mga locally stranded individuals o LSIs.

Ayon kay Regional Task Force Against COVID-19 Chairperson at Office of Civil Defense Regional Director Maria Theresa Escolano, nagbalangkas sila ng plano katuwang ang Presidential Management Staff, Department of the Interior and Local Government, Department of Health, Philippine National Police, Philippine Information Agency, at mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng kani-kanilang Disaster Risk Reduction and Management officers upang mapabilis at maging komportable ang pag-uwi ng mga LSIs.

Dagdag pa ng direktor, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan upang tanggapin at matulungan ang mga LSIs na makabalik sa kani-kanilang mga probinsya, alinsunod sa minimum public health standards at health protocol, upang patuloy na protektahan ang kanilang mga pamilya at pamayanan laban sa COVID-19.

Walong locally stranded individuals o LSIs mula sa Metro Manila ang naihatid pabalik sa kanya-kanyang probinsya sa pamamagitan ng programang Hatid Tulong ng pamahalaan.

Tatlo sa kanila ay mga residente ng Zambales, dalawa mula sa Tarlac, at tig-isa sa mula sa Nueva Ecija, Aurora at lungsod ng Angeles.

Ang Programang Hatid Tulong ay isang inisyatibo ng pamahalaan, sa pangunguna ng Office of the President, na naglalayong tulungang makauwi ang mga LSIs, kasama ang mga stranded na mag-aaral, manggagawa, at turista. (CLJD/MJSC-PIA 3)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!