Fri, 18 Sep 2020

Tagalog News: Commercial flight mula Manila, suspendido

Philippine Information Agency
05 Aug 2020, 08:38 GMT+10

PUERTO PRINCESA, Palawan, Agosto 4 (PIA) - Pansamantalang ihihinto ng Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) ang biyahe ng mga commercial airline patungong Puerto Princesa na manggagaling sa Metro Manila.

Sa paabiso ng CAAP-Puerto Princesa, inanunsyo dito na lahat ng modified commercial flights na lalapag sa Puerto Princesa International Airport ay pansamantalang suspendido mula Agosto 4 hanggang Agosto 18, 2020.

Kasunod din ito ng liham ng pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa sa CAAP na nagsasabing hindi muna tatanggap ang lokal na pamahalaan ng mga commercial flights sa nabanggit na mga petsa o maaaring palawigin pa depende sa klasipikasyon ng lebel ng quarantine sa Kamaynilaan.

Ang hakbang na ito ay bunsod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na nagdedeklara sa National Capital Region (NCR) at iba pang lugar na lubhang nanganganib dulot ng pandemya na iakyat muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa dating kalagayan na general community quarantine (GCQ).

Samantala, sa pamamagitan ng virtual presser ng Philippine Information Agency (PIA)-Mimaropa kahapon, sinabi ni Jeremias Alili, hepe ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kung mayroon man ay kakaunti na lamang ang maituturing na stranded individuals sa mga umuuwing taga Palawan mula sa Metro Manila, kung kaya pinag-iisipan ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) Against COVID-19 na ibalik ang sweeper flight.

Magkagayunman aniya, naka-batay pa rin sila sa iaatas ng pambansang IATF pagdating sa standard ng mga kinakailangang dokumento at proseso ng pagpapauwi sa lalawigan sa mga indibiduwal. (LBD/PIAMIMAROPA)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!