Sat, 19 Sep 2020

Tagalog News: Vizcaya PDLs, negatibo sa droga

Philippine Information Agency
10 Aug 2020, 18:38 GMT+10

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, August 10 (PIA) - Lumabas na negatibo sa paggamit ng illegal drugs ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Provincial Jail ng bayang ito kamakailan.

Ayon kay Carmelo Andrada, Provincial Warden, ang negatibong resulta ng kanilang illegal drug test ay ibinihagi ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang OPLAN GALUGAD ng dalawang ahenisya.

"Kami ay nagpapasalamat sa naisagawang illegal drug test sa ating mga PDLs dahil dito natin malalaman ang kanilang patuloy na paglayo sa ilegal na droga lalo na sa mga dating gumagamit nito," pahayag ni Andrada.

Ayon kay Provincial Warden, patuloy din ang ginagawang inspection at check-up ng mga jail guards sa mga kwarto ng PDLs upang matiyak na walang gumagamit at walang pumapasok na ilegal na droga sa provincial jail.

Ayon pa kay Andrada, isa sa mga ginagawa ng mga PDLs upang mailayo sila sa ilegal na droga ang paggawa ng iba't-ibang produkto na kanilang itinitinda sa mga mamimili sa provincial capitol.

"Makakaasa po ang ating pamunuan ng provincial government na prioridad ang patuloy na paglayo ng mga PDLs sa ilegal na droga sa pamamgitan ng ating mga iba't-ibang programa na nagbibigay sa kanila ng kita at respeto sa kanilang sarili at kakayahan," dagdag ni Andrada. (ALM/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!