Sun, 20 Sep 2020

PNP muling nagpaalala sa publiko, huwag magpakalat ng fake news

Philippine Information Agency
11 Aug 2020, 16:38 GMT+10

LUNGSOD PASIG, Agosto 11 (PIA) -- Muling pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na iwasang magpakalat ng mga pekeng balita o fake news sa gitna ng pandemya.

Ayon sa PNP, mahalagang i-double check ang source ng impormasyon na nababasa o natatanggap bago ito i-share sa iba sa pamamagitan ng social media.

Payo ng PNP sa mga netizens na kumuha lamang ng mga mahahalagang impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaan at verified sources.

Mahalaga ring maging mapanuri at alerto, at i-share lamang ang mga tamang impormasyon.

Kapag isang shared news article ang ibabahagi, mabuting tingnan ang petsa ng pagkakalathala nito.

Ayon sa PNP, ang pagpapakalat ng fake news ay paglabag sa "Unlawful Use of Means of Publications and Unlawful Utterances" sa ilalim ng Art. 154 ng Revised Penal Code in relation to Sec. 4c4 (Online Libel) at Sec. 6 ng RA 10175 o ang "Anti-Cybercrime Law."

Paalala rin ng mga otoridad sa publiko na agad i-report sa PNP Anti-Cybercrime Group ang mga fake news sa 0998-5988116. (PIA-NCR)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!