Sun, 25 Oct 2020

Tagalog News: Fisheries production sa BARMM tumaas ng 5%

Philippine Information Agency
19 Sep 2020, 04:38 GMT+10

LUNGSOD NG COTABATO, Set. 18 (PIA) -- Tumaas ng limang porsyento ang produksyon sa pangingisda sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kabila ng epekto ng pandemya na dulot ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Base sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA-BARMM), mula 200,053 metric tons sa ikalawang quarter ng 2019, nakapagtala ang rehiyon ng pagtaas sa regional fisheries production na 209,953.87 metric tons sa kaparehong quarter ngayong taon.

Ayon kay PSA-BARMM officer-in-charge Regional Director Razulden Mangelen, ang mga probinsya ng Tawi-Tawi at Sulu ang may pinakamataas na kontribusyon sa kabuuang regional production.

Aniya, ang mga lugar na ito ay nakapag-contribute ng 44.17 porsyento at 36.32 porsyento.

Ang natitirang 19.51 porsyento ay mula sa Maguindanao, Basilan, at Lanao del Sur.

Karamihan sa mga makukuhang isda sa rehiyon ay frigate tuna (tulingan), roundscad (galunggong), big-eyed scad (matangbaka), Bali sardinella (tamban), eastern little tuna (bonito), skipjack (gulyasan), Indian mackerel (alumahan), yellowfin tuna (tambako/bariles), tilapia, at marami pang iba. (LTBolongon-PIA Cotabato City/With reports from BPI-BARMM).

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!