Fri, 04 Dec 2020

PHLPost, patuloy ang serbisyo sa gitna ng pandemya

Philippine Information Agency
23 Oct 2020, 21:38 GMT+10

Central Post Office Building sa Lungsod ng Maynila (FILE PHOTO)

LUNGSOD PASIG, Okt. 23 (PIA) - Patuloy ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa paghahatid ng serbisyo para sa mga Filipino sa gitna ng pandemya.

Sa ginanap na Public Briefing na ginanap Biyernes, ibinahagi ni OIC, Assistant Postmaster General for Marketing Maximo Sta. Maria III na patuloy ang kanilang pagbibigay serbisyo, kaakibat ang safety at health protocols.

"Simula noong nilunsad namin ang programang #PusongPHLPost, kasabay nito yung aming mahigpit na pagsunod sa mga safety at health protocols para masiguro ang safety ng mga frontliners at magigiting na kartero. Gayundin po yung aming mga kliyente, kaya sinisuguro po namin na yung mga pakete, mga mails po na dinadala sa kanila ay nakakasigurong safe dahil we conduct regular disinfection sa aming mga post offices," ani Sta. Maria.

Nakatuon din ang PHLPost na tuparin ang unibersal na mandato ng patuloy na paghahatid ng mahahalagang mail mula sa iba`t ibang ahensya ng pamahalaan at maging sa pribadong sektor sa gitna ng pandemya.

Samantala, naging katuwang din ang PHLPost sa paghahatid ng relief at emergency services noong kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ). (PIA-NCR)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!