Mon, 18 Jan 2021

Tagalog News: 3 weather systems sa bansa, binabantayan ng mga DRRMCs

Philippine Information Agency
01 Dec 2020, 14:38 GMT+10

LUNGSOD QUEZON, Dis. 1 (PIA) -- Maagang nagbabawas ng tubig ang Magat Dam bilang paghahanda sa napipintong mga pag-ulan sa ngayong linggo.

Ayon kay OCD-Region2 Director Harold Cabreros, isang gate ngayon ang nakabukas ng dalawang metro sa Magat Dam batay sa ulat ng NIA-Magat Dam Integrated Irigation System sa kanilang regional Pre-Disaster Assessment (PDRA) niton lunes ng umaga.

Ang Magat Dam ay matatagpuan sa Isabela na bahagi ng Region 2.

Si Cabreros kasama ang iba pang regional Office of Civil Defense tulad ng Mimaropa ay kasama sa mga ipinatawag ng OCD - Central Office para sa PDRA ng NDRRMC nitong lunes ng hapon para sa Low Pressure Area na nasa silangang baybayin ng bansa ngayon,

Ang Cagayan Valley, ayon kay DOST Pagasa Weather Specialist Samuel Duran sa PDRA ng NDRRMC nitong Lunes ng hapon, ang isa sa mga lalawigang posibleng uulanin buong linggo.

Binanggit din ni Duran na tatlong araw bago mag-Lunes ay nag-uulan na sa Cagayan Valley at maging sa Cordillera Autonomous Region (CAR).

Palagiang babala ng DOST Pagasa at maging ng DENR Mines and Geoscience Bureau kapag ang madalas na pagkabasa ng lupa ay nagiging sanhi ng landslide o kaya ay biglaang pagbaha.

Maliit ang pagkakataon na lumakas (o maging isang tropical depression) ang LPA na pumasok sa silangan subalit nag-paaalala si Duran na mayroong pang dalawang weather system na kinakaharap ang bansa: ang buntot ng frontal system at ang Northeast Monsoon (o Amihan).

sinabi ni Duran na nagkadugtong na ang buntot ng frontal system (hangganan kung saan ang tatagpo ang dalawang klaseng hangin na may magkaibang katangian) nitong Lunes ng hapon sa LPA samantalang ang Amihan ay dumadaloy naman sa Luzon hanggang kabisayaan mula silangang baybayin.

Ang tatlong weather system ay bagay na maaring makaapekto sa lagay ng panahon, ayon kay Duran.

Martes ng madaling araw hanggang hapon, inaasahan ng DOST-Pagasa na katamtaman hanggang napakalakas ang pag-ulan sa Kabikulan samantalang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay may kalakasan ang pag-ulan sa kalakhang Cagayan at Isabela, Aurora, Quezon at Silangang Kabisayaan.

Pagsapit ng hapon hanggang Miyerkules ng hapon, mananatiling katamtaman hanggang sa napakalakas na pag-ulan sa Kabikulan, Quezon, Aurora, sa Hilaga at Silangang bahagi ng Cagayan, silagang bahagi ng Isabela at Apayao.

Samantala, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay napakalakas sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, CAR, nalalabing bahagi ng Calabarzon at sa Mimaro (Mindoro provinces, Marinduque at Romblon.)

Ngayong Martes ng hapon, magpupulong din ang OCD-RDRRMC (Office of Civil Defense- Regional Disaster Risk Reduction and Management Council)-Mimaropa para alamin ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at ang mga kahandaan ng mga ahensiya sa pag-alalay. (LP)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!