Fri, 26 Feb 2021

1,273 market, talipapa vendors sa Plaridel binigyan ng tulong ng DSWD

Philippine Information Agency
21 Jan 2021, 23:38 GMT+10

LUNGSOD NG MALOLOS, Enero 21 (PIA) -- May 1,273 market at talipapa vendors mula sa bayan ng Plaridel na lubhang naapektuhan ng pandemya ang binigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay DSWD Undersecretary Aimee Torrefranca-Neri, ang bawat nagtitinda sa palengke, talipapa at maging ambulant vendor ay pinagkalooban ng tig-tatlong libong piso mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng kanilang ahensya.

Bukod sa nauna 1,273 benepisyaryo, babalik pa ang DSWD sa nasabing bayan upang bigyan pa rin ang mapapatunayan mga sertipikadong vendor na hindi naisama sa listahan.

Maging ang Department of Trade and Industry at Department of Agriculture ay may dala rin tulong sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa at Enhanced Kadiwa ni Ani at Kita financial grant na tutulong sa mga tindero matapos ang kanilang isasagawang pagtatasa.

Bukod pa sa cash assistance, tumanggap din ang bawat isa ng food pack, meals, vitamins, face masks at shields mula naman sa tanggapan ni Senador Bong Go.

Mayroon din silang nagtanggap na kumot at limang kilong bigas mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sinabi pa ni Neri na ang pagbibigay ng tulong sa mga nagtitinda ay programa ni Pangulong Duterte na whole of government approach para sa mga mahihirap lalo na ang mga tinatamaan ng kalamidad. (CLJD/SFV-PIA 3)

More Philippines News

Access More

Sign up for Philippines News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!